Unpoppable!

Monday, January 5, 2009

Ako ay emo.

Filed under: Pondering the Personal,Tickle Me Emo — jungzx @ 7:09 pm
Tags: , , ,

Sa ngayon, ako ay nagpapaka-emo.

Sabi ko hindi ako magbablog muna. Pero nakanood ako ng isang matinding pelikula kaya hindi ko natiis. May isa pa ngang naka-draft ngayon eh, tungkol sa isa pang pelikula. Maaaring mablog ko pa yung susunod, maaaring hindi.

Sabi ko hindi ako magbablog pero paano at saan ko pa pwede maibuhos ang epekto sakin ng dramang ‘to? Wala akong perang pang retail therapy ngayon. Kaya pwede bang blog therapy na lang?

Hindi ko alam. Sa ngayon, wala akong alam.

Emo nga kasi ako ngayon, di ba nasabi ko na?

Pero hindi ako umuupo sa isang sulok at sinusugatan ang sarili ah. Ano ako, baliw? Emo ako ngayon pero hindi ako tanga.

Nagtatayp lang ako para hindi ako matempt magtext. Plurk na lang ako ng Plurk galing sa cellphone ko para hindi iba ang matext ko. Nagbibusy-busyhan sa kompyuter, sa internet para lang may ibang matugunan ng pansin. NagpePet Society para masabi kong may productivity naman ang ilang oras ko sa harap ng kompyuter. Nagbibusy-busyhan ngayon sa trabaho para lang hindi ako makapagpahinga. Dahil pag nagrelaks ako, alam kong may papasok na naman sa isip ko na hindi masaya, na masakit, na EMO.

Hindi pa ako umiiyak. Natuyo na yata lahat ng luha ko dati pa. Gusto ko na umiyak. Mas masakit yung hindi ko pa nalalabas yung putanginang sakit ng– anongTagalog ng heartbreak? Basta. Heartbreak.

Magaling din pala ako magTagalog pag emo eh. Siguro, proud na sakin yung boyfriend ko. Sa tatlong taon namin nagkasama, palagi nya kong inaasar kasi ang bulok ko magTagalog. S’ya naman ‘tong sobrang galing.

Kaso… Hindi ko na sya boyfriend ngayon. Madaming bagay ang hindi na kinaya ng putanginang– anong Tagalog ng long-distance? Basta. Yun na yun. Yun na yun, haluan mo pa ng madaming madaming mga isyu na dati pang binabagabag yung relasyon namin.

Hay. Putangina. Emo nga kasi. Wag ka nang makialam.

At least nakapagTagalog na ko.

11 Comments »

  1. He he he! OK na ang tagalog mo. :D

    Comment by Jonas Diego — Monday, January 5, 2009 @ 7:26 pm | Reply

  2. Hey, hang in there. Kaya mo yan. Nga pala, house party on my birthday!!!

    Comment by treiz — Monday, January 5, 2009 @ 8:36 pm | Reply

  3. Hey, don’t go crazy on us okay?

    Comment by Ade — Monday, January 5, 2009 @ 8:42 pm | Reply

  4. hi jungzx. yun lang.

    btw, saludo ako sa tagalog mo.

    (hugs)

    Comment by xtin — Monday, January 5, 2009 @ 9:28 pm | Reply

  5. Nakakagulat, ikaw ba yan? kailan ba tayo magka-kape? sa tingin ko, kailangan na talaga, maski magtanghalian ng mga koryano, baka mas makabuti sa iyong sitwasyon. basta alahanin mo, andito lang kami. pwede mo naman ako itext noh, ako ay naghihintay, si fritz ay nandito pa rin pala, sa pebrero pa daw sya aalis. o basta, hihintayin ko ang iyong mga salita at gawa na pwede na tayo magkita.

    Comment by The Lioness — Monday, January 5, 2009 @ 10:39 pm | Reply

  6. ah, putanginag long distance relationship?!

    halina at magkape tayo…pag-usapan natin ang mga ka-emohan ng buhay natin.

    Comment by KC — Tuesday, January 6, 2009 @ 9:49 am | Reply

  7. Long Distance Relationship ba ‘kamo? Malayuang Samahan? Malayuang relasyon?

    Heartbreak? pwede na ata yung WASAK bilang translation. =)

    Sana tama ang Tagalog ko. Hehe

    Ok lang yan, ilabas mo lang. Kasama sa growth ng tao ang pagiging emo. hehe.

    Nga pala, magaling ka mag-Tagalog. =)

    Comment by samjuan — Thursday, January 8, 2009 @ 9:02 am | Reply

  8. “Magaling din pala ako magTagalog pag emo eh”

    Yeah. Ayus naman eh. i guess we are all entitled to have emo moments from time to time.
    And oh, city of god is such a compelling movie.

    Comment by bulitas — Monday, January 12, 2009 @ 12:52 am | Reply

  9. […] Seyfried, Karen Smith, Mamma Mia, Meryl Streep, movie, musical, review (Also an excuse to get that emo post out of the […]

    Pingback by Mamma Mia! (Another way-too-late-but-do-you-think-I-care? movie review.) « Unpoppable! — Monday, January 12, 2009 @ 5:19 pm | Reply

  10. […] pm Tags: book, Filipino, love, Para Kay B, review, Ricky Lee, Tagalog, Taglish Noong sinulat ko yung emo post ko na Tagalog, I think, it opened a window for me. Narealize ko na iba pala talaga magsulat or magexpress ng […]

    Pingback by Nang Ma-In Love Ako Sa Isang Libro « Unpoppable! — Monday, January 19, 2009 @ 3:24 pm | Reply

  11. trops husayy///
    masakit ba talaga///
    yaan mo na///
    okay na tagalog moooo…

    Comment by senti — Friday, October 9, 2009 @ 3:03 pm | Reply


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: