I tried putting my words down in Tagalog. But after countless backspacing, I just… I don’t think I can. :(
But I’ll try, regardless:
Natutunan ko sa linggong ito na kailangan ko pala talagang matutong magTagalog ng matino, ng maigi, ng tama. Walang “slang twang,” walang arte! Kung gusto kong umasenso (?) sa ganitong klase ng trabaho, hindi pwedeng puro Ingles lang! Maaaring hanggang Ingles lang ang pagsusulat ko, at sa Ingles lang ako magaling magsalita, pero mas mabuti nang magaling din ako magTagalog. Mahal ko ang bansa natin, ang ating kultura, at ako’y nakakaramdam ng konting inggit kapag ang isang tao ay marunong magsulat or magsalita ng malalim na Tagalog na parang ibunubuhos nya ang kanyang kaluluwa sa ganda ng pananalita. Gusto ko din maipakita ang pagmamahal ko sa bansang kinalakihan ko sa pamamaraan ng pageensayong magTagalog ng magaling.
Kahit hindi ako fan ni Jose Rizal, gusto ko naman makapagsulat ng tulad nya, sa malalim na Tagalog. Makatang makata ang dating.
Pinagmamalaki ko ang bansa natin. Alam kong maganda ang lengwahe natin, kasama na ang ibang dialects. Hindi ako nagpapa-cute o nagpapapansin na parang dumb blonde Valley Girl yung dating ko na nagpapatanga kasi “cool” tignan. Hindi. Gusto ko — at kailangan ko! — matuto ng totoong Tagalog, at matutong magsalita ng wala nang accent. Alam kong hindi lang yun ang criteria sa pagsukat ng pagmamahal mo sa bansa mo, pero gusto ko lang din. Para masabi ko na din, at makita ng iba na, oo, ako ay totoong Pinay.
Wakas.
Whew. (Sorry. I had to insert a few English terms here and there — I couldn’t come up with replacement Tagalog words.) I don’t know how it translates to people who read this, Pinoy or not, but I feel like I wasn’t able to emphasize the right things, or to explain things the way I wanted in the Filipino language. :(
I want and also need now to learn to speak Tagalog properly. Currently, pronunciation and enunciation are my main concerns. It’s a personal ambition, as well as a potentially job-related aspiration. Hopefully once I work the kinks out of my Tagalog diction, the vocabulary would come in easier and writing skill (in TAGALOG) would come in as a cool bonus.
I love this country, as wretched as this place seems sometimes. But I want to be able to love the language too. ♥


